Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 461

Ika-13 na labas

“Ikaw talaga, pero salamat na rin!”

“Sige, balik na’ko ro’n ha.”

Nang makaalis na si Martin ay binuksan ni Esang ang inakala niyang isang kahon na pizza. Pero tatlong hiwa lang pala ang laman niyon.

“Tatlo? Ibig bang sabihin, I LOVE YOU…he loves me?”

Napangiti ng ubod tamis si Esang sa isiping iyon. Kinuha niya ang unang hiwa ng pizza at kinagatan iyon.

“Hmmm, ang tamis talaga ng pag-ibig…”

Mula sa trabaho sa restaurant, nag-aabang ng masasakyang jeep pauwi si Martin nang tawagin siya ni Jengjeng.

“Martin!”

“Jeng, ikaw pala.”

“Pauwi ka na?”

“Oo, ikaw?”

“Oo, pauwi na rin ako, sabay na tayo ha!”

“Saan ka galing?”

“Dyan lang ako pumapasok sa unibersidad ng Maynila, sa kabilang way lang!”

“Ah gano’n ba.”

Related Posts

Maya-maya pa ay magkatabi na sa jeep ang dalawa. May naisip itanong si Martin.

“Jengjeng, si Esang ba may naging boyfriend na?”

“Naku, wala as in, pero meron namang mga nanligaw kaya lang hindi ko alam kung sadyang pihikan o nag-iinarte lang ‘yung bff ko na ‘yon!”

“Ahm, do you think papasa ako sa kanya?”

“WHAT? Ibig sabihin may plano ka?” kinikilig na tanong ni Jengjeng.

Nakangiting tumango si Martin.

“Alam mo Martin sa tingin ko malaki naman ang pag-asa mo eh, gwapo ka at mukha namang mabait, just be yourself lang!”

Bago pa man makababa ng jeep sina Martin at Jengjeng ay bumuhos na ang malakas na ulan kasabay ng malakas na hampas ng hangin. Kaya naman pagbaba nila sa jeep, nang buksan ni Jengjeng ang payong ay bumaligtad agad ito. Naisipan na lang ni Martin na isukob ang dalaga sa water proof na jacket niya.

Samantala. Nasa terrace naman si Esang at kasalukuyang ibinababa ang trapal para hindi masyadong mabasa ang terrace nang makita ang paparating na sina Jengjeng at Martin habang magkasukob  ang mga ito sa iisang jacket at nagtatawanan. Nakaramdam ng selos si Esang.

Para kasi sa kanya, ang ganoong eksena ay romantic  tulad ng mga napapanood niya sa mga teleserye. At ganoon na lang ang panibugho niya dahil hindi siya ang kasukob ni Martin sa jacket nito kundi ang bestfriend pa niya. Bago pa makarating sina Martin sa bahay ay tumalikod na si Esang at isinara ang pinto.

Sabado. Inaabangan ni Martin na lumabas ng bahay si Esang. May sasabihin kasi siya rito. Pero tanghali na ay hindi pa ito nagpapakita. Sa halip ay si Jengjeng ang nakita niya na palabas mula sa inuupahan din nito.

“Jengjeng, may number ka ba ni Esang?”

“Meron.”

Habang magkausap ang dalawa ay nakasilip naman si Esang mula sa bintana ng kuwarto niya.

“Bakit magkausap na naman sila, at mukhang nagpapalitan pa sila ng number!”  selos na selos na kausap ng dalaga sa sarili. At lalo pang gumapang ang selos sa katawan niya magmula sa isip hanggang sa kaibuturan ng puso niya nang makita niyang magkasabay na lumakad ang dalawa palayo.

“Ha? saan sila pupunta? Oh no, mukhang naunahan pa’ko ni Jengjeng!” (Itutuloy)