Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

Ika-12 na labas

“Martin, gusto mo kumain muna tayo habang hinihintay natin ang oras ng pagsasara ni ate?”

“Sure, ano bang puwede nating orderin dito?”

“Treat ko na ‘to, gusto mo ba ng kwek-kwek, tokneneng or mami? Or kanin at ulam?”

“Mami na lang.”

“Okay, tokneneng sa’kin.”

Maya-maya pa ay magkasalo na sa isang table sina Martin at Esang.

“Martin, curious lang ako, bakit kailangan mo pang magpalit ng pangalan?”

“Iyon ang bilin ng mom ko, kahit nandito na ‘ko sa Pilipinas, gusto nilang makasiguro na safe

ako. Ikaw, ano ba ang real name mo?”

“Rose Ann Soriano, actually Osang daw talaga yung nickname ko, pero ang ate Rhoda ko panay Esang ang binabanggit kaya Esang na ang naging tawag sa’kin ng lahat.”

“Maganda pala ang real name mo.”

“Thank you naman. E, wala ba kayong kamag-anak na matutuluyan dito sa Pilipinas?”

“Wala… iyong malalayong kamag-anak ng mga magulang ko, they are all in province and gusto ko talagang mag-isa.”

“Alam mo sorry ha, kung pinagdudahan kita before, kasi naman parang wala kang pakialam sa mundo. At ang galing mo, kasi nalaman mo lahat ang pag-eespiya ko sa’yo!”

“Kasi I saw the doubts in your eyes, kaya pinakiramdaman ko rin ang mga kilos mo…”

Habang kumakain ay hindi maiwasan ni Esang ang mga nakaw na sulyap niya sa binata. Ganoon din naman si Martin. Gumaan ang pakiramdam niya ngayong kasama niya ang dalaga. Pakiramdam niya ay nabawasan ang problema niya.

Habang tinatahi ni Esang ang polo ni Martin ay napahinto siya at napangiti. Parang kailan lang ay super duda siya sa binata pero ngayong in good terms na sila, parang hindi na siya makapaghintay sa mga susunod pang mangyayari. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong excitement sa puso niya. Unti-unti niyang dinala sa dibdib ang polo ni Martin at inimagine na ito na mismo ang kayakap niya.

“Hay Martin… hindi ko inisip na mahuhulog ako sa’yo agad-agad… para kang kidlat na tumama sa puso ko… sobrang bilis… sobrang lakas…” napapapikit pang sabi ng dalaga habang yakap ang polo ng binata. Nasa ganoon siyang ayos nang biglang bumungad sa pintuan ng kuwarto niya si Rhoda.

“That’s it! Inlove ka na nga!”

“ATE!” gulat na binitiwan ni Esang ang yakap na polo.

“The way you look at him, the way you smile, hindi mo iyon maikakaila sa’kin!”

Related Posts

“Okay sige na nga, aaminin ko na… gusto ko siya, pero sikreto lang ate ha.”

Samantala. Nakahiga na si Martin pero hindi pa siya inaantok. Muli siyang bumangon at nagbukas ng laptop. Naisipan niyang tingnan ang mga photos ni Esang sa fb at I.G. Napangiti siya at hindi niya maiwasang hindi humanga sa simpleng kagandahan nito.

“Rose Ann Soriano… I think I like you…”

Nagulat pa ang binata nang makatanggap ng pm mula sa dalaga.

“Maaga ang pasok mo bukas bakit gising ka pa?” si Esang sa chat window.

“Hindi ako makatulog.”

“Ako rin.”

“I think about you…”

“What?” kinilig si Esang sa mensahe ng binata.

Nang biglang mawala ang connection ng dalaga sa internet.

“Oh no, oh no! please not now!” pero hindi na niya naibalik ang connection dahil naalala niyang expired na ang load niya sa broadband.

Nagtaka naman si Martin kung bakit biglang nawala si Esang.

“Sayang…” panghihinayang nito sa magandang conversation na sana nila.

Kinabukasan, tanghali na nagising si Esang dahil napuyat siya sa pag-iisip kay Martin kagabi at sa sinabi nito. At kahit nakadilat na siya ngayon ay para pa rin siyang nananaginip. Paano kaya ang magiging reaksyon niya kung manligaw sa kanya si Martin? Patataglin ba niya ang panliligaw nito o sasagutin niya agad?

Kabisado na niya ang oras ng pag-uwi ni Martin mula sa trabaho kaya inabangan niya ito para ibigay ang polo na natapos na niyang tahiin. Pero nagdalawang isip siyang lapitan ito nang makitang may kasama ito. Sa pagkakatanda niya ay ito rin ang lalaking kausap nito noon sa restaurant.

Pero nakita na siya ni Martin kaya ito na mismo ang tumawag sa kanya.

“Esang, the real Jackson, my friend in America na nagbabakasyon lang dito, Pilipino rin siya, Jackson she’s Esang, my new friend!” pakilala ni Martin sa dalawa.

“Nice to meet you Miss! You’re pretty!”

“Thanks, nice meeting you too…”

“Esang would you like to join us inside, may binili kaming pizza!”

“No thanks, ibibigay ko lang sana sa’yo itong polo mo, okay na ‘to.” Sabay abot ni Esang ng polo sa binata. “Oh thanks!”

Pumasok na sa loob ang dalawa. Pumasok na rin si Esang sa bahay nila. Pero saglit lang at kumatok si Martin para ibigay ang pizza kay Esang.

“Esang, this is for you!” (Itutuloy)