Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 441

Ika-11 na labas

Tiniklop ni Esang ang medida.

“Okay lang ‘yon, tapos na ‘yon. Sige sasabihin ko na lang sa’yo ‘pag okay na ‘tong polo mo.”

Patalikod na sana ang dalaga nang hawakan siya ni Martin sa braso.

“Esang… we can be friends…”

Napangiti ang dalaga bago nagsalita.

“No thanks.”

Marahang binitiwan ni Martin ang braso ng dalaga.

“Is that final?”

Saglit na nag-isip ang dalaga bago muling ­ngumiti at sumagot.

“Nagbibiro lang ako, syempre pwede tayong ma­ging magkaibigan!” sabay abot ni Esang ng kamay niya sa binata para makipag-shake hands. Maagap naman itong inabot ni Martin at saka ­ngumiti rin ng ubod tamis.

Sa isip ni Esang…” sabi ko na nga ba bibigay ka rin sa’kin eh…”

“Sa he, si Aling Rosita, senior citizen, sisenta!” sigaw ng baklang si Adi. Sumali kasi si Aling Rosita ng hapong iyon. Sinundan ng malulutong na tawanan ang birong ng bading.

Natahimik ang pagkakaingay nila nang lumabas ng bahay si Martin at tawagin ni Esang.

“Martin, Sali ka!”

Isa-isa silang napatingin kay Esang at saka ­lumipat ang tingin kay Martin.

“Sorry, but I don’t know that game.”

“Madali lang ‘to, tuturuan ka namin, para naman malibang ka!”

Saglit na nag-isip bago humakbang palapit sa kanila ang binata. Naupo ito sa tabi ni Esang.
“Ganito lang…”

Habang tinuturuan ni Esang si Martin ay pinapanood lang sila ng mga kalaro at palihim na nag-ngungusuan na nakangiti tanda ng panunukso nila sa dalawa. Hindi naman umiimik si Aling Rosita. Pinagmamasdan lang ang dalawa at inoobserbahan ang kilos at tinginan ng mga ito.

Bwenas si Martin ng araw na iyon kahit pa unang salang niya sa bingguhan. Madalas kasing manalo ang mga cards niya. Kaya naman aliw na aliw siya hanggang sa matapos ang laro.
“Esang, thank you so much, It was really fun!”

“You’r welcome. Sabi ko naman sa’yo eh malilibang ka, kaysa naman palagi ka na lang nagkukulong sa bahay, lalo na dati nu’ng wala ka pang pasok.”

“Oo nga eh, kaya salamat sa’yo.”

“O pa’no, next time sali ka uli ha!”

“Sure, pero hindi ba sugal ‘yang bingo?”

Related Posts

“Sa iba oo, kapag malakihan ang taya at sine­seryoso talaga nila, pero dito sa lugar namin katuwaan lang, maliitan lang, para lang may mapagli­bangan ang magkakapitbahay kapag free time, parang bonding na rin!”

“Ah, okay…”

“Bakit against ka ba sa mga sugal?”

“Not really, hindi ko lang gusto ang babaeng sugalera, ‘yung napapabayaan ang sarili, mga ­gawaing bahay, dahil sa sugal.”

Saglit na natigilan si Esang. Pinaparinggan ba siya ni Martin.

“Well, hindi naman po ako sugalera, tulad nga ng sinabi ko, katuwaan and form of bonding lang kami dito.” Pagtatanggol ni Esang sa sarili.

“No, I’m sorry, I’m not saying it’s you!”

Sabay silang napalingon nang tumawag si Aling Rosita.

“Esang anak, puntahan mo na ang ate mo baka kailangan niya ng katulong sa pagsasara ng ­carinderia.”

“Opo nay!”

Nagpalitan ng matatamis na ngiti sina Esang at Martin bago tinalikuran ang isa’t isa. Nang muling humarap si Martin.

“Esang, baka kailangan mo rin ng tulong ko, samahan na kita sa carinderia.”

“E ‘di wow! Tara lets!”

Nagulat si Rhoda nang makitang kasama ni Esang si Martin.

“Aba, kumuha ka pa yata ng boy natin eh naku wala akong ipapasahod diyan!” biro ni Rhoda.

“Wag kang mag-alala ate, volunteer lang ‘to!” ani Esang.

“Oo nga ate Rhoda, I just want to help, tutal ­naman maaga pa para matulog sa bahay.”

“Gano’n ba, e ‘di thank you, pero maya-maya lang tayo ng konti magsara ha, may mga dumarating pa kasing mga customers eh.”

“It’ s okay.” Tugon pa ng binata.

Palihim na siniko ni Rhoda si Esang at ­binulungan.
“Siya na ba?”

“Sana.” Pabulong ding sagot ni Esang.

“Lukaret, paduda-duda ka pa, type mo lang pala.” Muling bulong ni Rhoda.

“Ssshhh, wag kang maingay, lahat ng mga ­ginawa kong pagmamanman sa kanya nalaman niya, mukhang may black magic ata ‘to eh.”

“Asus, hindi ka lang pulido mag-sikreto, anong sunod mong sasabihin, ginayuma ka niya?”
“Malamang.”

Matalas ang pakiramdam ni Martin. Alam niyang pinagbubulungan siya ng magkapatid. Pero hindi lang nga niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito dahil sa sobrang hina. (Itutuloy)