Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

Ika-10 na labas

“Hoy ikaw, bakit ba ang ilap-ilap mo? Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa’yo eh!”
Napahinto sa paglalakad si Martin at muling humarap sa dalaga.

“Because I don’t understand you, nu’ng una, I felt na ayaw mo sa’kin, but the next day you stalking me na! is that your way of pakikipagkaibigan?” mahinahong sagot ni Martin.

Nabigla si Esang sa sinabi ng binata.

“Ano? Excuse me, hindi ako stalker no!”

“Really? Kaya pala I saw you palabas ng bahay ko, malamang doon mo nalaman ang real name ko when you saw my resume, and then you follow me sa restaurant nang mag-meet kami ng friend ko, and you always picture me, natatakot na nga ako sa’yo, because you’re like a mushroom na  bigla-bigla at kung saan-saan na lang sumusulpot!”

Sobrang pasasalamat ni Esang at walang tao sa paligid dahil maaga pa, kung hindi siguradong kahihiyan ang inabot niya. Pero ano pa nga ba ang inabot niya sa harap ng lalaking tinatangi kun’di kahihiyan rin!

Muli sana siyang tatalikuran ng lalaki nang muli siyang magsalita.

“Teka lang, nakalimutan mong sabihin na alam mo ring ako ang nagbigay ng goto at gamot sa’yo, kaya dapat ka ring magpasalamat!” seryoso ang mukha ng dalaga.

“Okay fine, I thank you for that.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na ni Martin ang dalaga.

Hindi na ito sumunod sa kanya. Deep inside ay nakaramdam ng lungkot si Martin. Alam niyang nasaktan ang dalaga sa sinabi niya at alam din niyang hindi niya dapat ginawa ‘yon.

Habang nakapila sa poso ay naiisip ni Martin si Esang. Totoong hindi niya ito maintindihan pero hindi niya maikakailang naging mabuti  ito sa kanya.

Napabuntong hininga si Martin. Sa isip niya, bakit nga ba parang sobra siyang apektado ngayon? Pakiramdam niya ay hindi niya gustong masaktan ang dalaga.

Dahil sa sama ng loob sa nangyari ay ibinuhos ni Esang ang atensyon niya sa pananahi.

“Anak, ipinagluto kita ng meryenda, baka gusto mo munang magpahinga?” inilapag ni Aling Rosita ang maruyang nasa plato sa side table ng maliit na kama ni Esang.

“Salamat po nay, maya-maya na lang po, kaila­ngan ko po kasing i-rush itong kay Aling Divine.” Tuloy lang sa pananahi ang dalaga.

Ilang mahihinang katok ang nagpalingon sa mag-ina.

“Bubuksan ko muna ang pinto.”

Napahinto sa pananahi si Esang nang marinig ang tinig ni Martin mula sa pintuan.

“Magpapatahi po sana ako ng polo kay Esang…”

Related Posts

“Gano’n ba, e kailan mo ba gagamitin ito, kasi ang dami niyang tahiin ngayon eh.”

“Kung kailan niya po matapos, hindi ko pa naman po gagamitin.”

“O sige, saglit lang at tatawagin ko para malaman niya kung anong tatahiin dito sa polo mo.”

Kinabahan ang dalaga. Hindi niya alam kung paano haharapin si Martin. Masama ang loob niya, pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi na niya ito gusto. At malamang balewala lang dito ang mga sinabi sa kanya kaya dapat ay maging casual lang din siya… casual? Kailangan ba talaga niyang ma­ging casual sa kabila ng pagtawag sa kanya nito ng stalker at mushroom?
Bago lumabas ng kuwarto ay hinugot muna ni Esang ang pinakamalalim niyang buntong hininga.

“Relax ka lang Esang, isipin mo lang na isa lang siyang ordinaryong kliyente!” kumbinsi ni Esang sa sarili.

Nang humarap si Esang kay Martin ay nagpakapormal siya.

“O, ano bang ipapatahi mo?” tanong niya.

“Itong polo ko, nasira kasi.”

Parang gustong matawa ni Esang sa porma ng pagkakasira ng polo ni Martin. Para kasing hindi natural, parang sinadya ang sira.

“Ano bang nangyari dito?”

“H-ha? e, hindi ko alam, basta nakita ko na lang, siguro dahil sa paglalaba ko…”

“Ha? naglalaba ka?”

“Of course, sa Colorado we have no maids, ang mommy ko ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay, and then she taught me everything, lahat ng alam niya.”

“Okay…”

Sinukatan ni Esang ang binata.

“Teka, kailangan ba’to?” naiilang na tanong ni Martin.

“Of course, masyadong mahaba ang punit ng polo mo, mula kili-kili hanggang sa laylayan, pag-tinahi ko ‘to baka sumikip o lumuwag, dapat makuha ko ang sukat mo para alam ko kung sakto lang ang tahi ko.”

Hindi na umangal si Martin, Hinayaan na lang niya ang dalaga. Kahit pa tila nakukuryente siya sa bawat paghawak ni Esang. Si Esang naman ay lihim na kinilig sa pagdampi ng mga kamay niya sa katawan ng binata.

“Relax Esang, relax…” sa isip ng dalaga.

“Ahm Esang, I just want to say… sorry sa mga nasabi ko…” ani Martin sa mahinang boses. (Itutuloy)