Una sa Balita

Sweet 16!

By
0 2
Dinaanan lang dito ni JV Marcelino (19) ng Lyceum si Jeremiah Tala­dua (12) ng Letran. Pinaluhod ng Pirates ang kapitbahay sa Intramuros na Knights 81-69 para ilista ang 16-0 card sa NCAA 93. (Patrick Adalin)

Wala pa ring makapigil sa Lyceum.

Nagpakawala ng pang-MVP na laro si CJ Perez, at pinaluhod ng Pirates ang kapitbahay sa Intramuros na Letran 81-69 kahapon sa FilOil Arena sa San Juan.

Abante Hiring – IT dep

Kinolekta ang win No. 16 sa gayunding dami ng laro, dumikit ng dalawang ‘W’ na lang ang Lyceum para walisin ang double-round eliminations at agad bumiyahe sa Finals ng 93rd NCAA basketball.

Kapag nagkataon, thrice-to-beat pa sa championship ang Pirates.

Tumabo si Perez ng 24 points, tig-three rebounds, assists at steals. Umayuda sina Mike Nzeusseu at Jaycee Marcelino ng tig-11 points sa Lyceum.

“Easy (win) kasi maganda ang depensa namin,” ani Perez. “Sabi ni coach (Topex Robinson), enjoy lang para maganda ang laro namin.”

Maaaring kumpletuhin ng Lyceum ang sweep kapag tinalo ang JRU sa Oct. 13 at San Beda sa Oct. 19.

Mainit pa rin ang defending champion Red Lions, dinamba ang 14-game winning streak nang lapain ang EAC 88-51 sa likod ng 17 points ni AC Soberano.

Kampante sa No. 2 ang Beda sa 15-1, ang tanging bangas ay nang silatin ng Lyceum sa first round.