Una sa Balita

Sweet 16 nadale ni Nadal

By
0 12

Tinalo ng 31-anyos na si Rafael Nadal si Kevin Anderson ng South Africa 6-3, 6-3, 6-4 at sinikwat ng Spaniard ang third US Open title niya, ang 16th career Grand Slam crown kasunod ng 10th French Open trophy nitong June sa Roland Garros.

Tatlo na lang ang hinahabol ni Nadal sa likod ng all-time record na 19 Slam singles titles ni Ro­ger Federer.

Para makuha ang Sweet 16, dumaan sa katakut-takot na rehabilitation si Nadal dahil sa knee injuries.

Nabawi ni Nadal ang world number one ranking noong isang buwan, una niya sa tuktok sa loob ng mahigit tatlong taon.

At nang mapasibat si Federer sa US Open quarterfinals sa mga kamay ni Juan Martin del Potro, nakasiguro ang Spaniard na maglilimlim siya sa top spot.

Mahaba ang prusisyon ni Nadal bago naluklok sa kanyang puwesto sa Grand Slam history.

Nag-professional siya sa edad na 15, makalipas ang dalawang taon ay naganap ang unang match niya kay Federer. Sa edad na 19, ibinulsa niya ang 2005 French Open sa kanyang debut  una sa siyam na Grand Slam titles na tutuhugin sa red clay ng Roland Garros sa loob ng 10 taon.

Sa kaagahan ng kanyang career, naging bisyo ni Nadal ang i-annex ang championship trophies sa Wimbledon (2008 at 2010), Australian Open (2009) bago kinumpleto ang career Grand Slam noong 2010 nang talunin si Novak Djokovic sa US Open final, youngest sa Open era mula 1967 na nakakumpleto ng four-event career sweep.

Silang dalawa lang ni Andre Agassi ang nakakuha ng career Grand Slam at Olympic men’s singles gold medal, kay Nadal noong 2008 sa Beijing.

Noong 2013, idinagdag ni Nadal sa kanyang koleksiyon ang isa pang korona sa Arthur Ashe Stadium nang muli ay talunin si Djokovic.