Una sa Balita

SWEEP NG GILAS?

By
Muling inaasahan ang pagbibida ni Terrence Romeo sa pagsabak ng Gilas Pilipinas kontra Qatar ngayong gabi sa pagpapatuloy ng Fiba Asia Cup sa Beirut, Lebanon. (FIBA photo)
0 2

Mga laro ngayon:
(Nouhad Nawfal Stadium)
6:30 p.m. — Iraq vs. China
9:00 p.m. — Philippines Qatar
11:30 p.m. — Iran vs. Jordan
2:00 a.m. — Syria vs. India

Swak na sa quarterfinals ang International­ Basketball Federation world no. 27 Gilas Pili­pinas patungo sa no-bearing match ngayong alas-nuebe ng gabi kontra FIBA no. 50 Qatar sa Day 4 at last playdate ng 29th FIBA Asia Cup 2017 preliminary round sa Nouhad Nawfal Stadium sa Beirut, Lebanon.

Win or lose, sakote pa rin ng Philippines ang top spot sa Group B at outright Last Eight slot sakaling maka-tie ang sinuman sa mga tinalo ng no. 14 China (96-87) at no. 92 Iraq (84-68) via winner-over-the-­other rule.

Pero gusto ng Filipino quintet, isakatuparan ang sweep sa grupo para sa mas magandang puhunan pagdating ng Round-of-8 sa Miyerkules, Agosto 16, lalo’t hindi pa tapos ang misyon at hindi dapat lumaki ang ulo mula sa magkasunod na impresibong tagumpay.

“We have to keep the low-key attitude and have the hunger in us,” nasambit lang ni national­ Chot Reyes kamaka­lawa sa http://www.fiba.basketball/asiacup/2017/news tapos hakbangan ang Iraqis na pinostehan ng 21-point lead sa 28-9 blitz sa third quarter.

Sa quarters, ilan sa maaring makatapat ng PH 5 ay ang winner playoff no. 2 na magbubuhat sa Group D second placer na tie sa no. 8 Japan (1-1)/tie sa no. 48 Chinese Taipei  (1-1) o Group C third placer na pagpapasyahan ng no. 30 South Korea (1-1) at no. 43 Lebanon (1-1).

Namumuro pa lang ang Group C front­runner no. 20 New Zealand (2-0), at Group A leaders no. 25 Iran (2-0) at no. 28 Jordan.

Pagpapasyahan pa ang apat na silya patungo sa win-or-go-home affair ng second-third placer teams sa apat na pangkat simula bukas hanggang Martes.

Nakasentro ang opensiba sa Nationals kina Terrence Romeo, naturalized player Fil-German Christian Karl Standhardinger, Matthew Wright, Roger­ Pogoy at Jayson Castro William, mga nag-ave­rage ng 21.5, 15.5, 10.0, 9.0 at 7.0 points, ayon sa pagkakasunod.