Una sa Balita

Swedish na wanted sa swindling, laglag sa Iloilo

By
0 411

ISANG Swedish national na wanted sa kanyang bansa dahil sa patong-patong na large-scale fraud at mga kasong swindling ang nalaglag sa mga tauhan ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Immigration (BI) at mga operatiba ng Philippine National­ Police Regional Intelligence Division Region 6.

Si Kenneth Tobias Christoffer Moberg, 28-anyos­ ay hinuli sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Poblacion Ilawod, San Enrique, Iloilo.

Agad inilipat ang dayuhan sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naghihintay ng kanyang deportasyon.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nag­labas siya ng mission order laban kay Moberg dahil na rin sa kahilingan ng Bangkok-based Nordic Police at Customs Cooperation na nagsasabi na nasa red notice ito mula sa Interpol.

Si Moberg ay binabaan ng arrest warrant ng Swedish court dahil sa pagkakasangkot sa mga multiple criminal offense kabilang ang gross fraud, attempted fraud at unlawful use of identity.

“He is also an overstaying and undocumented alien. His passport was already revoked by the Swedish­ government,” ani BI-FSU chief Bobby Raquepo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy