Una sa Balita

Swangit na opisyal pa-VIP

By
0 311

Feeling guwapo kahit mukha namang kuwago itong isang opisyal ng gobyerno.

Ito ang natisod ni Mang Teban sa ugali ng opisyal dahil suplado daw ito sa personal at namimili ng kausap.

Kahit sikat na media personality ay tinatabla daw nito matapos na tablahin ang hirit na panayam ng isang bete­ranong mamamahayag.

Gusto lang umanong makuhanan ng panig o paliwanag ang opisyal tungkol sa iba’t ibang usapin na kinakaharap ng tanggapan na kanyang pinamumunuan.

Dahil dinedma, nabanatan tuloy sa ere ang pa-VIP opisyal kaya kinahapunan ay nataranta ito at agad na nagpa-interbyu.

Dati nang inireklamo ng katiwalian ang natu­rang opisyal subalit hindi nasibak sa puwesto.

Pintahan n’yo na. Ang nasabing opisyal ay may kapangalan sa Malacañang bagama’t malayo ang hitsura niya dito. May letrang M sa kanyang pangalan.