Una sa Balita

‘Swan song’ ni Clarkson sa 18th Asiad

HULING PASADA

By
0 944

Jakarta — Huling sasabak ang Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson para sa Team Pilipinas ngayong hapon kontra Syria sa battle for fifth sa men’s basketball competition ng 18th Asian Games sa Gelora Bung Karno Istora.

Makakatapat ng Gilas sa alas-6:30 nang gabi dito (7:30 nang gabi sa Manila) ang nagbabalik sa pagla­laro sa kada apat na taon na multi-sports na torneo na Syria na huling naglaro noong Doha, Qatar Asian Games at tumapos na ika-10 puwesto noong 2006.

Ito ang ikalawang pagkakataon pa lamang ng Syria sa Asian Games matapos na unang lumahok sa 2006 Games.

Itinala nito ang apat na panalo at limang talo upang tumapos na ika-10 mula sa 17 koponan na sumali sa Doha sa qualifying and preliminary group rounds. Hindi ito nakausad sa knockout stage.

Ang FIBA World ranked 87 na Syria ay madalas na sumasali sa Asian championships sa nakalipas na 20 taon kung saan tanging pinakamalapit nito sa podium finish ay noong 2001 edisyon na ikaapat na puwesto matapos mabigo sa labanan sa ikatlong puwesto sa overtime sa Republic of Korea.

Sapul noon ay hindi na nakalapait pa ang Syria sa podium placing sa continental championship na mas kilala ngayon bilang Asia Cup at tanging pinakamataas na naabot ay ika-10 noong 2017 edisyon ng torneo.

Pilit naman tatapusin ng Pilipinas ang huli nitong laro sa panalo upang masandigan nito bilang batayan para sa nais na programa na makamit ni national head coach Yeng Guaio sa mga susunod na paglahok ng Pilipinas sa internasyonal na mga torneo tulad ng SEA Games, Asian Games, FIBA Qualifying at posibleng Olympics.

“We want to complete our campaign here with a win,” sabi ni Guiao, na itina­laga na hawakan ang Gilas matapos na mapatawan ng suspensiyon ang da­ting coach ng pambansang koponan na si Chot Reyes kasama ang pitong iba pa na manlalaro.

“Gusto namin maipakita­ na kahit nabigo tayo sa mga importanteng laban­ ay hindi pa rin natin binibitiwan ang dapat na ipakitang laro lalo na sa basketball,” sabi lamang ni Guiao.