Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Swab test sa mga OFW libre

0 149

Walang bayad ang swab test para sa umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ito ang inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III matapos matanggap ang report ng sobra-sobrang singil ng mga pribadong laboratoryo na gumagawa ng swab test sa airport.

Hindi aniya dapat pinagbabayad ang mga OFW sa kanilang swab test dahil sagot ito ng Overseas Workers Welfare Administraiton (OWWA).

“Yung OFWs natin libre, sagot yan ng OWWA hindi dapat sila sinisingil. Hindi tama yung nangyayari na sina-swab sila ng private laboratory at naniningil ng P10-20 thousand , bawal po yan,” ani Bello.

Ang maaari lamang mag-swab test sa mga umuuwing OFWs ay ang Philippine Coast Guard at hindi dapat hinahayaang mapunta sa mga pribadong laboratoryo na naniningil ng sobra-sobra.

“Nakarating na sa kaalaman namin yan. Pakisabi sa lahat ng OFW na huwag silang papatol sa ganyang laboratories. Nakausap ko na si Secretary Art Tugade para pagsabihan yang Philippine Coast Guard na huwag pahintulutan na yung mga OFW natin ay sina-swab ng mga private laboratories diyan,” ani Bello.

“Dapat hindi nakapasok mga yan, at kung nakapasok man hindi dapat nila pinapakialaman yung mga OFW natin. Maliwanag po, hindi dapat nagsa-swab ng OFWs yung nga laboratory na nakapasok diyan. Kung paano sila nakapasok, hindi namin alam,” wika ni Bello.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.