Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Swab test sa Boracay turista alisin – Aklan mayor

0 133

Nakiusap na si Malay, Aklan Acting Mayor Frolibar Bautista sa Boracay Inter-Agency Task Force at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na tanggalin na ang requirement na coronavirus test sa mga nais bumisita sa isla.

Giit ni Bautista, masyadong mahal ang COVID-19 test kaya nawawalan ng gana ang mga turista.

“Pinabalik na ng mga business establishments ang kanilang mga workers thinking na may darating na mga turista sa pagbukas ng Boracay. Hindi nila na-sustain ang overhead expenses dahil mababa ang tourist arrivals natin. Pag nag-close sila uli, kawawa ang ating mga workers,” aniya. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.