Una sa Balita

Svickova

0 124

Traveling brings our taste buds to extraordinary and unforgettable dishes. Nagtungo ka­ming mag-asawa, kasama ang kapatid ko, sa Prague, Czech Republic (dating Czechoslovakia) dala­wang taon na ang nakararaan pero hindi ko pa rin makalimutan ang natikman naming famous dish nila – ang svickova!

Kung titingnan, para lang itong simpleng sirloin beef steak na may sauce at tinapay na parang siopao bread ang lasa (bread dumpling ang tawag nila dito). Pero kapag tinikman mo na, parang sumasabog sa sarap ang iba’t ibang flavors nito.

Ang sikreto ng masarap na Svickova ay ang sauce nito na may pinag­halo-halong spices, cream at cranberry sauce. Masarap na ipartner dito ang beer na paborito ng mga Czech. Mas malakas pa silang uminom ng beer kaysa sa mga Germans.

Para makapagluto ng masarap na Svickova, narito ang mga ingredients:

750 g. beef sirloin beef back
50 g. bacon, hiwain nang maliliit
asin at dinurog na paminta
2 malaking carrots
150 g. na celery root
1 parsley
1 malaking sibuyas
5 butil ng paminta
3 allspice balls
3 bay leaves
thyme (isang kurot)
150 g. na nilusaw na butter
lemon juice (isa)
100 g. mustard
2 kutsarang all-purpose flour
250 ml. cream (panghalo)
gatas
asukal
hiniwang lemon
at cranberry sauce

Ipunas sa beef ang bacon. Lagyan ng asin at paminta. Hiwain ang sibuyas nang maliliit na cubes. Gadgarin ang mga gulay. Ilagay ang mga gulay sa kaserola at ipaibabaw rito ang mga karne. Ilagay na ang lahat ng spices, pigaan ng lemon juice at ihalo ang nilusaw na butter. Takpan at ilagay muna sa refrige­rator ng magdamag.

Kinabukasan, lagyan ng kaunting tubig ang karne at ipasok sa oven (kailangang nakatakip). Kapag malambot na ang karne, tanggalin ang spices lalo na ang bay leaves. Pakuluan ang sauce. Idagdag ang mustard, 2 kutsarang harina at i-stir fry ang karne. Idagdag ang cream at haluin habang bahagya itong kumukulo. Kung nagiging ma­lapot ang sauce, magdagdag ng kaunting gatas. Kunin ang mga gulay, pisain sa isang salaan patungo sa sauce. Lagyan ng kaunting asin, asukal at lemon juice base sa inyong panlasa. Maaari ring magdagdag ng carame­lized sugar (1 kutsarang asukal na paiinitan sa pan hanggang maging brown, dadagdagan ng kaunting tubig).

Hiwain ang beef at ibalik sa sauce at painitin. Ihain kasama ang bread dumpling at slices of le­mon. Ilagay sa ibabaw ng beef ang cranberry sauce.

Ang bread dumpling ay gawa sa harina, gatas, itlog at white bread. Upang makagawa nito, kailangan ng 4 na tasang all purpose flour, ¼ kutsaritang baking powder, 1 kutsaritang asin, 2 ma­laking itlog (pula lang ng itlog), 1 ½ tasa ng gatas at 10 hiwa ng tinapay na tatanggalin ang brown sa paligid nito.

Pagsama-samahin ang harina, baking powder at asin sa isang mangkok at doon haluin at palisin. Sa isang hiwalay na mangkok, doon naman haluin ang egg yolks at gatas. Kapag nahalo na, isalin ito sa pinaghalong harina, baking powder at asin. Haluin hanggang sa hindi na ito dumidikit sa mangkok. Takpan ang batter at hayaan ng isang oras.

Magpakulo naman ng tubig na may asin sa isang saucepan. Habang hinihintay itong kumulo, ihalo ang piniraso na parang cubes na white bread sa batter.

Kapag nahalo nang mabuti, kunin at irolyo ang dough na ang sukat ng bawat isa ay nasa 8 pulgada ang haba at 2 ½ in­ches naman ang taba. Kapag kumukulo na ang tubig na may asin, ilagay ang nirolyong tinapay at batter. Iwasang pagdikit-dikitin ito habang kumukulo ang tubig. Ibaba ang lakas ng apoy, takpan, at hayaang maluto ng 10 hanggang 15 minuto. Ha­nguin at hiwain ang mga nalutong dumpling.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy