Una sa Balita

Suyamin makikilatis sa Rapid Chess

0 287

MULING makikilatis ang tikas ni Bonjoure Fille Suya­min pagsabak niya sa Lee-Ann Fidaire Inter School Rapid Chess Championship kiddies 12 years old and below tournament na gaganapin sa Rockwell Business Center-Sheridan, Highwayhills sa Greenfields District sa Mandaluyong City.

Runner-up kamakailan si Suyamin sa girls 10 and under class ng 2nd Pattaya Chess Open 2019 age group chess championship na ginanap sa Bay Beach Resort sa Pattaya, Thailand.

“I hope to do well,” patungkol ni nine-year-old Suyamin sa sasalihang tournament.

Related Posts

Libre ang pagpapatala sa nasabing chess tournament kung saan ang magkakampeon ay tatangap ng P5,000, tropeo at medalya at hanggang top 20 ang prizes na inilatag at sinuportahan mismo ng ina ni Lee-Ann na si Woman National Master Cristina Santos Fidaire, miyembro ng 1988 Thessaloniki, Greece World Chess Olympiad.

Magsisimula ang sulungan ng piyesa sa Disyembre 15. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy