Una sa Balita

SUV ni Sereno pinasosoli ng SC

By
0 2,988

BINIGYAN hanggang kahapon, Hunyo 14, 2018 ang pinatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno para ibalik sa Supreme Court (SC) ang binili niyang SUV at mga sasakyan ng kanyang mga security at staff.

Nalaman na hanggang ngayon ay ginagamit pa ni Sereno ang sasakyan sa pagdalo sa kanyang mga speaking engagement.

Maliban sa pagpapasoli sa SUV ay pinasusumite rin ng SC ang sinibak na SC justice ng disbursement ng mga ginastos niyang gasolina sa sasakyan.

Ang pinababalik na SUV ng SC na pinagamit kay Sereno ay isang Toyota Land Cruiser na bullet proof at nagkakahalaga ng P5.1M.