Una sa Balita

SUV nadaganan ng truck: Wedding coordinator patay

0 376

NASAWI ang isang babaeng wedding host at coordinator nang madaganan ng trailer truck ang sinasak­yan nitong SUV sa Lipa City Sabado nang gabi.

Kinilala ang nasawi na si Gemma Navarro, may-ari ng Eventworks & Luisa’s Kitchen Art at residente ng Barangay Malagonlong, Lipa City.

Sugatan naman ang boyfriend nito na si Orestes Orense na siyang nagmamaneho ng kanilang sasakyan.

Galing sa isang wedding event ang mga biktima at kalalabas pa lamang sa STAR Tollway at patungo sa direksyon ng Lipa City proper nang mawalan ng kontrol ang kasunod nitong Shacman trailer truck na minamaneho ni Arnel Alaban, alas-11:50 nang gabi.

Bumangga sa poste ang truck na naging sanhi para tumagilid ang trai­ler nito at bumagsak sa Montero.

Naaresto rin ang driver ng truck at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injuries at damage to pro­perties. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy