Una sa Balita

Suspensiyon sa 4 ERC off’l walang kuwenta: Meralco-MVP ‘sweetheart deal’ ibasura

By
0 619

WALANG kuwenta para kay Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang suspensiyon ng apat na commissio­ner ng Energy Regulatory Commission sa halip ay iginiit nito na mas makabubuti kung ibabasura rin ang mga ‘sweetheart deal’ ng Meralco sa mga sister company nito at magkaroon ng panibagong competitive selection process.

Giit ni Zarate na ang mga ‘sweetheart deal’ ng kompanyang pag-aari ng binatang negos­yante na si Manuel V. Pangilinan ay sisingilin sa mga electric consumer sa loob ng 20 hanggang 21 taon o kabuuang halaga na P12.44 bilyon kada taon.

Para kay Zarate, ‘token’ lang ang ipinatupad na suspensiyon ng Malacañang laban kina ERC Commissioner Alfred Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Magpale-Asirit at Geronimo Sta. Ana lalo pa at dalawa sa mga ito ang magreretiro na sa Hulyo 10.

Ang tinutukoy na magreretiro sa ERC ay sina Non at Taruc.

“Parang lalabas tuloy na token iyan dahil magre-retire na itong dalawa ngayong buwan. So, kung isususpende man sila ay parang moot and academic na rin dahil retirable sila,” paliwanag ni Zarate.

Mas maganda sana aniya kung sinibak na lamang sa puwesto ang mga nabanggit na commissioner sa halip na suspendihin lang ang mga ito.

Samantala, inihayag ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na magsisimula sa Lunes ang ipinag-utos na suspensiyon ng Office of the Ombudsman laban sa apat na ERC commissioner.

Ito’y matapos atasan ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa pamamagitan ng me­morandum, ang tanggapan ni Devanadera para ipatupad ang suspension order ng Ombudsman laban sa apat na ERC commissioner.

“I will be able to serve the suspension on the commissioners only on Monday at the ear­liest,” ayon kay Devanadera.