Una sa Balita

Suspensiyon ng FIBA kay Ravena, matindi!

0 1,147

GRABE pala ang FIBA suspension kay Keiffer Ravena­. Pinagbawalan din si Kieffer na manood man lang ng game ng NLEX.

Ikinagulat nga ni coach Yeng Guiao ang bigat ng suspension ng FIBA kay Kiefer.

Dahil dito, umapela na ang NLEX tungkol sa bagay na ito. Pero siniguro ni Guiao na susundin nila ang ruling ng sports body tungkol sa 18-month suspension ng kanyang super rookie.

Batay sa suspension na ipinataw kay Ravena, hindi siya puwedeng gumawa ng anumang aktibidad na may kinalaman sa basketball.

Kahit practice o manood man lang ng game ay bawal.

Ibig sabihin nito lalayo muna si Kieffer sa larong pinakamamahal niya hanggang sa Agosto 2019.

Nalalabuan nga si coach Yeng sa parusa, kaya bukod sa apela tila humingi pa siya ng paliwanag sa FIBA.

Nakatuon ang apela ng NLEX na payagan si Kieffer na manood man lang ng game at umaasa ito na positibo ang magiging tugon ng FIBA.

Sinabi ni Guiao na matatanggap nila ang sagot ng FIBA sa kanilang apela bago ang laro kontra sa Barangay Ginebra sa darating na Sabado sa Legazpi City.

Doble ang problema ni Guiao ngayon dahil bukod sa wala si Kevin Alas nawala pa si R­avena.

Bago ang suspension naga-average si Ravena ng 17.2 points per game ngayong Comissioner’s Cup.

Mantakin mo ang nawalang ‘yan kay Guiao.