Una sa Balita

Suspensiyon ng buwis sa langis mas malaking problema — Gatchalian

By
0 576

NAGBABALA si Senador Win Gatchalian na magdudulot nang mas malalang sitwasyon kung sususpendihin ngayon ang ipinatutupad na excise tax sa produktong petrolyo sa gitna ng pagpalo sa 5.2% ng inflation rate noong Hunyo.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na mara­ming nakadugtong na benepisyo sa sinisingil na excise tax.

Kabilang na dito ang libreng buwis sa mga empleyadong kumikita ng P250,000 pababa kada taon.

Para kay Gatcha­lian, mas maiging i-monitor muna ang takbo ng ekonomiya sa susunod pang isa o dalawang buwan bago magdesisyon kung sususpendihin ang excise tax sa fuel products.

“Ang aking kinatatakutan, lumala ang sitwasyon dahil nakasalalay dito sa excise tax ang pagbigay ng libreng tax sa mga kumikita ng P250,000 and below so magkakadugtong siya,” saad ni Gatchalian.

Sinabi nito na ang suspensiyon ang pinakahuling solusyon na maaaring ikonsidera ng gobyerno subalit kinakailangan ding bilisan na ang pagpapatupad ng mitigating measures tulad ng pagbibigay ng unconditional cash transfer at ang ‘Pantawid Pasada Program’.

“Pero ito ay mino-monitor naming mabuti at kung worse comes to worst at magkakaroon ng runaway inflation we will have to strongly recommend itong excise tax on fuel,” diin ng senador.