Una sa Balita

Suspension order sa Resorts World Manila lusaw na

0 3

Tinanggal na ang suspension order sa gaming licence ng Resorts World Manila operator na Travellers International Hotel Group Inc. nitong Huwebes. 

Nilusaw ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang naturang kautusan matapos ang masusing pagsusuri at deliberasyon dito.
 “The lifting of said suspension takes effect today, following Travellers International’s compliance with PAGCOR’s required security and safety improvements,” ayon sa PAGCOR.
 Sinuspinde ang naturang lisensya matapos ang naganap na trahedya sa naturang casino noong June 2 kunsaan dahil sa pag-atake ng suspek na si Jessie Carlos naging dahilan ito sa pagkamatay ng 37 katao at higit 50 ang sugatan.
“With PAGCOR’s assistance and guidance, we can now start the difficult task of rebuilding as it is also our responsibility to take care of our 6,000 staff and personnel,” ayon sa operator ng Resorts World sa pagbabalik operasyon nito.
Kaugnay nito ang Resorts World ay may bago nang security agency at experts para sa safety and security systems ng casino. Mayroon na ring armadong guwardiya at X-Ray machines at metal detectors para sa mahigpit pang seguridad.
Samantala, alas-5:00 ng hapon nitong Huwebes, nagpalit ng cover sa Facebook page ang Resorts World at ibinalita nito sa publiko na “Now Open GF Gaming Area”.
Ayon sa admin nito ang ground floor ay bukas na at ang dating 2F Gaming Area ay nananatiling sarado.