Suspendihin online money transfer fee

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ang banking community na suspendihin ang koleksiyon ng mga bayarin sa online money transfers habang patuloy na dumarami ang mga kaso ng COVID-19.
“Mas mainam kung ang publiko ay gagamit ng electronic banking upang mabawasan ang mga face-to-face na transaksiyon lalo na’t pinaiksi ng ilang bangko ang kanilang oras ng operasyon at may mga iba na pansamantalang nagsara dahil may mga empleyado silang nahawaan o may mga sintomas ng COVID-19,” ani Gatchalian.
Bagama’t nagsuspinde ang ilang bangko ng kanilang electronic fund transfer (EFT) service fees sa InstaPay at PESONet nakaraang taon, sa ibang bangko naman ay umaabot sa P775 ang kada isang transaction fee ng PESONet na may transaction limit na P200,000 kada araw at P40 ang transaction fee sa InstaPay na may arawang transaction limit na P50,000. (Dindo Matining)