Una sa Balita

Suspendidong QC legal officer, tsinugi ni Bistek

By
0 336

Tinanggal ni Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista ang legal officer ng city hall matapos suspen­dehin ito sa ‘practice of law’ ng Supreme Court (SC) .

Inalis sa puwesto  si Christian Valencia, bilang city legal officer. 

Sa isang Office Order 124-2018, tinalaga ni Bautista si Farley Sabillo, bilang acting city legal officer.

Ginawa ng alkalde ang hakbang na ito matapos na maglabas  ang tanggapan ng Court Administrator ng SC ng Circular 131-2018 na nagkumpirma sa Resolution No. 6 ng Second Division ng SC na nag-uutos na suspendehin si Valencia sa practice of law sa loob ng anim na buwan.

Hindi nabanggit sa kautusan ni Bautista ang dahilan ng pagkakasuspende ng SC kay Valencia.

Napag-alaman din na iniutos ng Kataastaasang Hukuman na tanggalin ang notarial commission ni Valencia at i-disqualify ito sa pagkuha ng reappointment bilang notaryo publiko sa loob ng dalawang taon. (Riz Dominguez)