Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Suspek sa tinodas na Hapon, timbog

0 76

KASONG murder ang ihinain kontra sa naarestong lalaki na pinapanagot sa pagpaslang sa isang matandang Japanese national noong Mayo 5 ng madaling-araw sa Cuyapo, Nueva Ecija.

Ayon kay P/Lt. Col. Erwin Ferry, COP ng Cuyapo, kinasuhan na si Villamar Mina Ronquillo, 40, residente ng Purok 2, Brgy. Columbitin, Cuyapo sa pagpatay kay Norio Kurumatsuka, 82, tubong Tokyo, Japan.

Batay sa pagsisiyasat ni P/SSg. Dos Mariano, nagtamo ang biktima ng mga pukpok sa ulo nang matagpuang nakahandusay sa tinutuluyang kubo na pag-aari ni Rolly Sinohin Dumandan, 68, residente ng naturang barangay. Matatandaang may 10 araw na umanong nanunuluyan ang Hapon sa lugar, na inilarawang palaboy mula Baguio at Tarlac, bago napaslang.

Nakatulong umano an testimonya ng mga saksi sa krimen at naniniwala si Ferry na ‘airtight’ ang kaso laban kay Ronquillo. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.