Una sa Balita

Suspek sa rape nanlaban sa presinto, utas

0 271

TODAS ang 46-anyos na suspek sa panggagahasa habang sugatan naman ang isang pulis nang kuhanin umano ng una ang baril ng huli habang ginagawa ang dokumentasyon sa loob ng presinto sa Parang, Maguindanao Sabado nang umaga.

Kinilala ni Colonel Ibrahim Jambiran, police chief ng bayan ng Parang, ang suspek na si Mohamad Akmad, 46, residente ng Barangay Manion na naaresto sa kasong rape.

Batay sa imbestigasyon, kinukuhanan umano ng mugshot ng hindi pinangalanang babaeng pulis si Akmad nang bigla na lamang nitong kuhanin ang service pistol nito at paputukan ang iba pang pulis na nasa presinto.

Agad namang rumesponde ang iba pang pulis at pinaputukan si Akmad nang magtangka itong tumakas.

Mabilis namang inatasan ni Jambiran ang kanyang mga tauhan na dalhin sa pagamutan ang nasugatang pulis at suspek, gayunman hindi na umabot nang buhay si Akmad.

Nakaligtas naman sa kapahamakan ang pulis.

Nakuha na ng pamilya ni Akmad ang mga labi nito at inilibing sa Brgy. Manion ayon sa paniniwalang Islam. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy