Una sa Balita

Suspek sa pagpatay sa tiyahin ni Bata Reyes, timbog

0 262

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Regio-nal Police Office (NCRPO), Regional Intelligence Division (RID), Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Olongapo City Police ang isang AWOL na police na may patong sa ulo at pumatay umano sa tiyahin ni Efren ‘Bata’ Reyes sa ikinasang manhunt operation kamakalawa.

Iprinisinta kahapon sa mga mamamahayag ni NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar ang suspect na si da-ting Patrolman Elias Gamboa, 45-anyos, dating nakatalaga sa Meisic Police Station sa Manila Police District (MPD) Station 11 at nakatira sa no. 12 Conception East Zaragoza, Nueva Ecija.

Ayon kay Eleazar, nitong Lunes (May 13), dakong alas-11:00 nang umaga nang madakip ang suspek sa West Bajac B­ajac, Olongapo City.

Ikinasa ng mga awtoridad ang manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Tita Bughao Alisuag, ng R­egional Trial Court (RTC) Branch 1, National Capital Judicial Region, Manila dahil sa kasong Murder na may petsang O­ktubre 2005 at walang nirekomindang piyansa dito ang korte.

Lumalabas sa record ng p­ulisya, si Ex-Patrolman Gamboa ay itinuturing na “National Most Wanted Person”, na may patong sa ulo na halagang P145,000.

Nabatid, na si Gamboa umano ang responsable sa pagpatay sa biktimang si Victoria Pangilinan alias ‘Nanay’, 60, noong Marso 20, 2005 sa Maynila.

Kung saan sinaksak niya 19 na beses na naging sanhi ng a-garan nitong kamatayan matapos silang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Ang nasabing biktima ay tiyahin ng tinaguriang hari ng bilyar sa Pilipinas na si Bata Reyes.

Nabatid, na nagtago sa iba’t ibang lugar si Gamboa at naging tricycle driver ito para matustusan ang kanyang mga panga-ngailangan.

Subalit, nagwakas ang pagtatago sa batas ng akusado nang makatanggap ng impormasyon ang NCRPO, na namataan ito sa Olongapo City hanggang sa nadakip nga ito ng mga pulis. (A­rmida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy