Una sa Balita

Suspek sa pagpatay sa Grade 7 lumutang, nagbanta na may isusunod

0 421

Nagpakita umano sa ilang kaibigan ng pinatay na Grade 7 ang suspek na security guard malapit sa lugar na kinabuburulan ng biktima sa Calamba, Laguna noong Biyernes.

Ayon sa apat na naka­kita, patungo sila sa isang tindahan sa Brgy. Bucal nang makita nila ang suspek na si Renan Estrope Valderama na nakasuot noon ng puting damit.

Dahil sa takot ay nagtakbuhan umano ang mga estudyante subalit hinabol umano sila ng suspek at pinagbantaan pa na isusunod sa biktima.

May mga lumutang na teorya na posibleng gumanti umano ang ba­ding na security guard na suspek sa pagpatay sa 15-anyos na estud­yanteng si Mark Anthony Miranda matapos siyang kasuhan nito ng child abuse noong Martes, Hul­yo 2, dalawang araw bago nangyari ang krimen.

Batay sa affidavit sa pulisya ng biktima, mula umano noong Marso hanggang Hunyo ay araw-araw umano siyang hinalay ni Valderama.

Nagkaroon umano talaga ng relasyon si Valderama at ang biktima dahil sa pangakong tutulong siya sa pag-aaral ng binatilyo dahil wala na itong mga magulang.

Pero napag-alaman na noon pang nakaraang buwan nakipaghiwalay na ang biktima dahil hindi na nito kinaya ang ginagawang pang-aabuso ng suspek.
Nagseselos din umano ang suspek sa girlfriend at mga kaibigan ng biktima.
Samantala, nangako ang pulisya na madadakip nila sa lalong mada­ling panahon ang suspek na si Valderama. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy