Una sa Balita

Suspek sa pagpatay kay XXXTentacion, naaresto

By
0 784

Nahuli ang 22-anyos na suspek sa pagpatay sa rap star na si XXXTentacion, na binaril sa kanyang mamaha­ling sasakyan na BMW sa Florida na nag-withdraw ng pera sa isang bangko para ipambili ng motorsiklo sa Riva Motorsports sa Deerfield Beach.

Ayon sa awtoridad ang biktima ay tinambangan ng dalawang suspek para pagnakawan, at noong Miyerkoles nang gabi ay nahuli ang isang suspek sa isang traffic stop na si Dedrick De­vonshay Williams na taga-Pompano Beach, na minamaneho ang silver 2004 Honda na walang lisensya.

Kinasuhan si Williams ng first-degree murder without premeditation, probation violation at pagmamaneho ng walang lisensya. Inutos din ng korte na ikulong nang walang piyansa at padaluhin sa ibang hukom para sa kasong pagnanakaw ng kotse.

Kasalukuyang pinag­hahanap ang ikalawang suspek sa pagpatay sa rapper.