Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Suspek sa pagpaslang kay Jang Lucero, pinalaya

0 896

Inutos ng prosecutors office sa Calamba, Laguna na pakawalan si Annshiela Belarmino, isa sa mga suspek sa marahas na pagpatay sa lady driver na si Jang Lucero.

Nitong Huwebes ay nakalaya na si Belarmino matapos hulihin ng Laguna police noong nakaraang linggo.

Tinignang basehan ng pulisya ang isang CCTV footage kung saan kasama umano si Belarmino sa mga sumakay sa kotse ni Lucero bago maganap ang krimen.

Ito’y dahil sa tattoo ni Belarmino na kapareho umano ng nasa likod ng babae sa CCTV.

Depensa naman ni Belarmino, na-setup lamang siya at nasa ibang lugar siya noong mangyari ang krimen.

Samantala, hindi naman nakakita ng sapat na ebidensya ang piskal para tuluyang makulong si Belarmino kaya inutos ang paglaya nito.

Hinimok naman ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang ibang posibleng witness na tumulong sa imbestigasyon sa pagpaslang kay Lucero, na sinaksak ng lampas 50 beses sa loob ng kanyang sasakyan.

RP

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.