Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Suspek sa Maragondon slay sumuko

0 133

Hawak na ng pulis­ya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa Vice Mayoralty candidate ng Maragondon, Cavite, Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Gen. Trias City Police, dakong alas-7:21 kahapon ng umaga sumuko ang suspek na si Robert Amoranto, nasa wastong edad at suspek sa pagpatay kay Nolito Angeles Magallanes, 54, noong Nobyembre 16 sa Gen. Trias City Police Station kasama ang kanyang asawa at ilang kamag-anak.

Hindi na umano nakakatulog ang dahilan kung bakit kusang-loob na siyang sumuko at hinarap ang krimen na kanyang ginawa, ayon sa pulisya.

Matatandaan na dakong alas-6:30 Martes ng gabi nang barilin ng suspek ang biktima sa harapan ng bahay ng huli sa Lavanya Subd., Brgy. Bacao II, Gen. Trias dahil sa pagpaparada ng huli ng kotse nito sa basketball court na ayon sa nauna ay nakasasagabal sa mga manlalaro.

Si Magallanes ay dating Maragondon vice mayor at muling kumakandidato bilang bise alkalde ng nasabi ring bayan para sa halalan 2022. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.