Una sa Balita

Suspek sa dalagang ginahasa, sinakal arestado

0 412

LAGLAG sa pwersa ng pulisya ang itinuturong pumatay at gumahasa pa umano sa 18-anyos na da-lagang estudyante sa Dagupan City.

Kinilala ang nahuling si Jeric Gonzales na suspek sa pinatay at hinihinalang ginahasa na si Bernadeth Saplan, civil engineering student.

Naaresto ang suspek sa Mangatarem, Pangasi-nan ng mga tauhan ng Dagupan City Police kahapon, dalawang araw makalipas ang krimen.

Nabatid na mayroon nang dating kaso si Gonzales na may kaugnayan sa pagnanakaw at attempted rape.

Sa salaysay ng ama ng biktima na si Bernard, Sabado nang hapon nang magpaalam umano ang anak na dadalo sa debut ng kaibigan. Nag-alala ito nang alas-otso na ay hindi pa dumadating ang anak.

Sinubukan pang tawagan ni Bernard ang cellphone ng anak at isang lalaki na ang sumagot nito at pinagmumura pa umano ito at sinabihang babarilin niya ito.

Agad na kinabahan ang ama kasama ng ilang kamag-anak na may nangyaring hindi maganda sa anak.

Bunsod nito ay humingi na sila ng tulong sa kinauukulan kung saan nakita sa CCTV na kuha malapit sa lugar at may isang lalaki ang humabol sa anak.

Kinaumagahan noong Linggo, makita na ang katawan ni Bernadeth at nakababa na ang panloob nitong kasuotan na pinaniniwalaang ginahasa pa ito at sinakal ang biktima hanggang malagutan ito ng hininga. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy