Una sa Balita

SUSHMITA SEN, NANLAKI ANG MGA MATA SA MGA PINAY SUSHMITAs!

By
0 9
Sushmita Sen
Sushmita Sen

Hindi nakakasawa na panoorin ang reaksyon ni Miss Universe 1994 Sushmita Sen nang ipakilala sa kanya ni Jessica Soho ang mga Pi­lipina na isinilang noong 1994 at isinunod ang pa­ngalan sa kanya.

Mahirap makalimutan ang nakakatuwa at ­genuine reaction ni Sushmita nang sabihin nito na “You’re all Sushmita?” nang iharap sa kanya ni Jessica ang mga tukayo niya.

Para sa isang dayuhan sa Pilipinas na ­itinuturing ang bansa natin bilang second home, malaking ­karangalan para kay Sushmita na malaman na marami ang mga sanggol na ipinanganak noong 1994 ang isinunod ang pangalan sa first name niya.

Maituturing ito na pinakamataas na ­karangalan at pinakamalaking premyo kung ikukumpara sa ­international beauty title na napanalunan ni ­Sushmita noong 1994.

Dapat papurihan si Jessica at ang brilliant ­production staff ng Kapuso Mo Jessica Soho dahil sila lang ang nakaisip na hanapin, ipunin at sama-sama na iharap kay Sushmita ang mga 23-year old Fi­lipina na ipinangalan sa kanya at buhay na ­alaala ng tagumpay niya sa Miss Universe noong 1994.