Una sa Balita

Sushmita nagulantang sa pagkamatay ni Chelsi

By
0 725

Isa sa mga nalungkot sa pagpanaw ni Miss Universe 1995 Chelsi Smith ay si Miss Universe 1994 Sushmita Sen. Nagulat ang Indian beauty queen and Bollywood actress sa balitang namatay na ang American beauty queen from Texas. Si Sushmita kasi ang nagputong ng korona kay Chelsi bilang Miss Universe sa Windhoek, Namibia noong May 12, 1995.

Fresh pa raw sa alaala ni Sushmita ang magandang mukha at ngiti ni Chelsi noong manalo ito.

“I loved her smile and that generous spirit. Rest in peace my beautiful friend, Chelsi Smith. Miss Universe 1995,” caption pa ni Sushmita sa pinost niyang photo nila ni Chelsi sa kanyang Instagram account.

Si Chelsi Smith ang ikaanim sa walong Miss USA na nanalo ng Miss Universe title.

Fifteen years din ang nagdaan bago mu­ling nanalo ang Miss USA ng Miss Universe title in 1995. Huling panalo ng USA ay noong 1980 as represented by Shawn Weatherly.

Bukod sa mo­deling at acting, ­naging singer din si Chelsi. Ang kanyang ­single titled “Dom Da Da” ay nakasama sa soundtrack ng 2002 film na “The Sweetest Thing”.