Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Susan Roces nararapat parangalan

0 74

Kasabay ng pakikiramay sa lahat ng naulilang pamilya, kaibigan at milyon-milyong tagahanga ni Ms. Susan Roces, kinilala ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera ang mahaba at maningning nitong karera at hindi matatawarang ambag sa sining ng pag-arte.

Kaya naman, para kay Herrera, karapat-dapat parangalan ang namayapang batikang aktres bilang Pambansang Alagad ng Sining.

Ang mga pagganap umano ni Roces bilang butihing ina, sa pelikula at telebisyon ang isa umano marahil pinakatatatak sa mga Pilipino.

Maging ang pagiging mapagkupkop at mapag-aruga na ipinakita umano nito sa totoong ay mga ehemplong maaaring pamarisan ng bawat Filipino. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.