Una sa Balita

Surprise drug test pa more

0 213

Nasampolan ang mga truck dri­vers na ayaw pa rin maglubay sa paggamit ng iligal na droga.

Kahapon ay nagsagawa ng surprise drug test ang Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga truck drivers katuwang ang mga K-9 sa ilalim ng ini­lunsad na “Oplan Harabas”.

Ayon kay PDEA Director Gene­ral Aaron Aquino isinakatuparan ang drug test sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensya ng gobyerno bilang bahagi ng pagtugon para masawata ang patuloy na pamama­yagpag ng iligal na droga.

Iginiit ni Aquino na kailangang sumailalim sa drug screening ang lahat ng cargo truck driver dahil nagla­lakihang mga truck ang kanilang dala at bumibiyahe sa mas mahabang oras.

Saludo tayo sa hakbang na ito ng PDEA dahil maraming buhay ang nalalagas dahil sa kawalang disiplina ng mga truck drivers na animo’y hinahabol ng sampung demonya sa pagmamaneho.

Nawa’y gawing regular ng PDEA ang pagsusuri sa mga truck driver para mapatino ang mga ito.

Ayaw nating isi­ping lahat ng truck driver ay gumagamit ng iligal na droga pero sa haba at tagal ng kanilang biyahe nang walang kapalit ano ang iisipin mong pampalakas ang gamit nila.

Kaya tama lamang na suyurin ang mga truck drivers para masigurong maayos ang kanilang lagay at hindi sila gumagamit ng kung anong pampalakas para tumupad sa kanilang trabaho.

Maliban sa mga truck driver ay idamay naman sana ng PDEA ang mga tricycle driver. Bu­lagain nyo rin sila na karamihan ay 24-oras din na namamasada.

Kitang–kita sa hitsura ng ilang tricycle driver na lulong sa iligal na droga dahil ma­liban sa mulagat nilang mga mata ay mga wala ring takot makipagkarerahan sa kanilang mga kapwa tsuper.

Dahil dito, mara­ming pasahero ang napapariwara at basta na lamang namamatay.

Hindi lang mga truck, tricycle at bus driver ang dapat bantayan ng gobyerno partikular ng PDEA, gawin din sana ito sa lahat ng nagmamaneho para masi­guro ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy