Surigao umuga ulit

By

Muling nakaramdam ng malakas na pagyanig ang Surigao City, Surigao del Norte kahapon ng umaga.

Dakong alas-8:29 ng umaga nang maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) ang magnitude 3.2 na lindol sa naturang siyudad.

Naramdaman ng mga residente ang Intensity 3 sa lungsod habang naitala ng instrumento ng Phivolcs ang Intensity 4.

Tinatayang may lalim na 15 kilometro ang pag­yanig na tectonic ang origin.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na magdu­dulot ng pinsala ang nasabing lindol.


SHARE