Una sa Balita

Surigao niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

By
0 7

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Tandag, Surigao del Sur at naramdaman din sa Agusan Del Sur, ilang bahagi ng at Eastern Samar.

Ayon sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig kaninang alas- 9:19 ng umaga (April 23).

Tumama ang epicenter o sentro ng tectonic na pagyanig sa 21 kilometers, hilagang bahagi ng Tandag, Surigao del Sur at may lalim na 20 kilometers.

Naitala ang Intensity IV sa Tandag, Surigao Del Sur; San Miguel, Bayabas at Cagwait, Surigao Del Sur; Talacogon, Agusan Del Sur.

Intensity III sa Surigao City at Socorro, Surigao Del Norte; General Luna, Surigao Del Norte; habang Intensity II naman sa Butuan City; Hinatuan, Surigao Del Sur; Bislig City; at Loreto, Dinagat Island

Nakaramdam din ng instrumental iIntensities ang Bislig, Surigao Del Sur; Surigao City; at Borongan, Eastern Samar.

Nakataas ang babala ng posibleng pagtama ng panaka-nakang aftershocks.