Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Surigao muling niyugyog ng magnitude 5.1

0 225

Tumama sa Surigao del Sur ang magnitude 5.1 na lindol nitong Biyernes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa earthquake bulletin ng Phivolcs, sinabing tumama ang tectonic earthquake alas-6:19 ng umaga, Setyembre 24, sa 73 kilometro northeast ng bayan ng Bayabas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dalawang kilometro ang naging lalim ng naturang pagyanig.

Ang naturang lindol ay aftershock ng magnitude 5.7 earthquake na tumama sa parehong bayan noong Setyembre 21.

Hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol pero inaasahan pa rin ang aftershock.(Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.