Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Surigao inalog ng magnitude 6.1

0 197

Tumama ang malakas na magnitude 6.1 na lindol na nagpayanig sa Surigao Del Sur nitong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa earthquake bulletin ng ahensya, sinabing tumama ang lindol alas-6:13 ng umaga, sa 66 kilometro northeast ng bayan ng Bayabas.

Umabot sa 77 kilometro ang lalim ng naturang pagyanig.

Nakaranas ng Instrumental Intensity 1 sa Surigao City at Gingoog City.

Sabi ng Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala pero inaasahang magdudulot ng aftershock ang nasabing lindol. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.