Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Surigao del Sur niyanig ng magnitude 5.8

0 338

Malakas na magnitude 5.8 na lindol ang gumimbal sa Bayabas, Surigao del Sur kahapon ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 40 kilometro at naitala ng ala-1:32 ng madaling-araw.

Naramdaman ang Intensity IV sa Bayabas, Bislig City, Cagwait, Hinatuan at Tandag City sa Surigao del Sur, Butuan City.

Intensity III naman sa Surigao City, Surigao del Norte; Gingoog, Magsaysay, Medina sa Misamis Oriental; Intensity II ang nai-record sa Balingasag, Jasaan, Salay, Tagoloan at Villanueva sa Misamis Oriental, at Cagayan de Oro City.

Naranasan ang Intensity I sa Mambajao, Camiguin.

Walang pinsala ng lindol pero inaasahan ang mga aftershock samga apektadong lugar, dagdag ng Phivolcs.

Leave A Reply

Your email address will not be published.