Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Surigao del Sur niyanig ng 5.3 magnitude

0 121

Niyanig ng magnitude 5.3 lindol ang Surigao del Sur kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naramdaman ang lindol gana[ na alas-7:08 ng umaga sa Lingig, Surigao del Sur.

May lalim itong 19 km at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang nasugatan, nasawi o anumang pinsala.

Abiso ng Phivolcs, walang inaasahang pinsala ngunit posible anila ang aftershocks.

Leave A Reply

Your email address will not be published.