Una sa Balita

Surigao del Norte, niyanig ng lindol

0 243

MULI na namang niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte, kahapon nang madaling-araw

Ayon sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa layong 51 kilometro hilagang-silangan ng General Luna ang episentro ng lindol na nagpayanig bandang ala-1:25 ng Miyerkoles nang mada-ling-araw.

May lalim na walong kilometro at nasa tectonic ang pinagmulan. Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang a­ftershocks.

Matatandaang niyanig ng lindol ang lugar na ito ng magnitude 5.5 na naganap noong Abril 26 na ikinagulat ng maraming turista sa Siargao. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy