Una sa Balita

Surigao del Norte niyanig ng 4.5 quake

0 196

NIYANIG ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte nitong Linggo nang umaga, isang araw matapos ugain ng malakas na lindol ang katabing Surigao del Sur na ikinasugat ng 56 katao.

Ang lindol ay tumama ganap na alas-8:16 nang umaga, 29 kilometro hilagang kanluran ng Burgos.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang dahilan ng lindol na may lalim na 25 kilometro.

Noong Sabado nang madaling-araw, niyanig ng 5.8 na lindol ang Surigao del Sur na nag-iwan ng pinsala sa mga gusali at pagkasugat ng 56 katao.

Nilinaw naman ng Phivolcs na walang kaugnayan ang malakas na lindol sa Surigao del Sur sa pag-uga sa katabing Surigao del Norte dahil magkaiba ang fault line system ng dalawang lalawigan.

Ang lindol sa Surigao del Norte ay naramdaman din sa Borongan, Eastern Samar pero intensity 2 lamang ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy