Surigao del Norte nilindol

By

Nakaranas ng magnitude 3.2 na lindol ang San Francisco (Anao-an), Surigao del Norte kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-2:53 ng madaling-araw nang maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagyanig na may lalim na pitong kilometro.

Naitala ang Intensity 4 sa bayan ng San Francisco habang Intensity 3 sa Surigao City at sa bayan ng Sison sa naturang lalawigan.

Intensity 2 naman ang naitala sa mga bayan ng Malimono at Placer.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks sa lindol. 

SHARE