Una sa Balita

Surfing hero wagi ng ginto

0 538

ANG mga taong gumagawa ng kabutihan sa kapwa ay tiyak na mabibiyayaan.

Ito ang nangyari kay Roger Casugay, na abot-kamay na sana ang gintong medalya sa longboard event ngunit naudlot dahil sa kabaya­nihang ginawa.

Sinalba ni Casugay ang kalabang Indonesian na si Arip Nurdihayat matapos maputol ang leash at mahulog sa naglalakihang mga alon.

Pinuntahan ni Casugay ang Indonesian para isakay sa kanyang longboard at sabay nagpunta sa pampang, dahilan para purihin hindi lamang ng mga Pinoy kundi ng foreign community.

Sa laban nito kahapon para sa gold medal match kontra sa kababayang si Jay-R Esquivel, dinomina ni Casugay ang laro para sa wakas ay masungkit na ang gintong medalya sa men’s longboard open na ginanap sa San Juan, La Union.

Ito ang kauna-unahang gintong medalya ni Casugay sa SEAG habang tumapos naman si Esquivel tangan ang silver medal. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy