Una sa Balita

Supporter nagdala ng baril sa campaign rally, timbog

By
0 313

DINAMPOT ng mga awtoridad ang isang lala­king nagpakilalang supporter ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan matapos itong makuhanan ng baril na puno pa sa Mandaue City Sports Complex kung saan ginanap ang campaign rally ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) noong Huwebes.

Kinilala ni S/Supt. Julian Entoma, hepe ng Mandaue City police ang suspek na si Nelson Lim, 30, residente ng Talisay City, Cebu at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang kalibre .45 baril na may pitong bala sa magazine.

Ayon kay Entoma, dinakma si Lim habang papasok sa nasabing complex pasado alas-10:00 nang umaga.

“During the frisk, nakita may dala siyang armas (kalibre .45 baril na may 7 bala) kaya tinanong ng pulis kung may papeles siya pero wala itong naipakitang papeles” sabi ng opisyal.

Dagdag pa ni Entoma na nagpakilala ang suspek na supporter ng PDP-Laban subalit dinakip pa rin ito at sinampahan ng kaso dahil sa pagdadala nito ng hindi lisensyadong baril at paglabag sa Comelec election gun ban.

Bukod sa pangyayari ay naging maayos naman ang campaign rally ng HNP sa lugar at base sa pulisya umaabot sa 12,000 katao ang dumagsa sa campaign rally pasado alas-singko nang hapon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy