Una sa Balita

Supply ng pagkain maiipit sa port lockdown

0 403

NAMIMILIGRONG maipit ang supply ng pagkain sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa itinutulak na lockdown sa Port of Manila at iba pang pantalan sa bansa.

Ito’y matapos igiit ni Rey Soliman ng Aduana Business Club at presidente ng Professional Customs Brokers Association of the Philippines Inc. ang lockdown ng mga port bunsod ng pinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Nanawagan umano si Soliman sa Department of Finance, Bureau of Customs at Philippine Ports Authority (PPA) na ideklara ang mga port bilang health hazard upang maipatupad ang lockdown.

Giit ni Soliman, dapat alamin na ng DOF kung anong mga import ang kinakailangang agarang i-release at ang iba ay itigil na ang pagproseso at pagpapalabas upang mapangalagaan umano ang buhay ng mga empleyado ng BOC, customs brokers, trucker operator at mga driver at helper.

Ngunit pangamba naman ng marami, lalong magkakaroon ng problema kapag sinara ang mga port dahil maiipit ang supply ng pagkain at iba pang kagamitan na panlaban sa coronavirus disease.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More