Una sa Balita

Supply ng bigas sapat pa – NFA

By
0 1,326

Hindi muna itutuloy ng National Food Authority (NFA) ang plano nitong mag-angkat ng bigas dahil may sapat pa umanong supply nito ang bansa sa kasalukuyan.

Ayon kay NFA spokesperson Rebecca Olarte, ang kanilang desisyon na isan­tabi muna ang planong pag-i-import ay batay na rin sa report ng Inter-Agency Food Security Committee on Rice ng National Economic and Deve­lopment Authority (NEDA).

Lumilitaw umano kasi na tumaas ang produksyon ng palay noong nakaraang taon kaya inaasahang hindi pa magkukulang ang supply ng bigas.

Base pa aniya sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 19.28 milyong metriko tonelada ang itinaas ng produksyon ng palay noong 2017 na higit na mataas sa 17.63 metriko tonelada noong 2016.

Una nang sinabi ng NFA na mag-aangkat ito ng 250,000 metriko tonelada ng bigas ngayong taon upang masiguro ang kanilang supply matapos ipamahagi ang ilang toneladang bigas ng ahensiya sa Marawi City at iba pang lugar na naapektuhan ng kalamidad.