Una sa Balita

Supplier ng droga sa Bataan kalaboso

0 374

HIMAS rehas ang isang hinihinalang nag-aangkat diumano ng iligal na ­droga mula sa National Capital ­Region para dalhin sa Orion, Bataan ­kamakalawa.

Ayon kay P/Major Sonia Alvares ang suspek ay kinilalang si ­Gregorio Savida, 38-anyos, residente ng ­Libertad St. Mandaluyong City.

Nakitaan naman ang suspek ng anim na sachet ng shabu at isang cal. 45 na kargado ng pitong bala at isang kotse na na sinasabing ginagamit ­bilang service nito sa pagde-deliver ng iligal na droga.

Napag-alaman pa ni Alvares sa kanilang monitoring, ito diumano ang nagsusuplay ng droga sa Bataan partikular sa mga bayan ng Orion, Limay at Mariveles. Inamin din ng suspek na sa Taguig City niya kinukuha ang droga na ibinabagsak naman dito sa Bataan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, at illegal possession of fire arms. (Jennifer Go)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More