Una sa Balita

Suportahan si Lee-Ann

0 332

Lubos akong humahanga kay Lee-Ann ­Fidaire, ang anak ng aking kumare at dati kong teammate sa 1988 Thessaloniki, Greece World Chess Olympiad na si Woman National Master Cristina ‘Tina’ Santos-Fidaire.

Sa murang edad ay kinakitaan na si Lee-Ann ng pagtulong sa kapwa.
Sa huling proyekto ni Lee-Ann ay nag-raise siya ng funds para sa mga nangangailangan ng wheelchair.

Masayang ibinalita naman ng ating kaibigan na si tournament director Genghis Imperial na magpapa-chess ang batang Fidaire na free registration sa darating na Linggo, Disyembre 15 na susuportahan ng ina niyang si Tina, ang 1st Lee Ann-Fidaire Kiddies 12 years old and below Interschool Chess Tournament.

Regalo ng batang si Fidaire ang torneo sa kanyang sarili sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Nobyembre 24. Nabigyan niya ng karangalan ang bansa si Lee-Ann nang mag-runner-up sa University of Texas Chess Camp Tourney sa UT campu sa Dallas nitong Hulyo, may four wins sa five games siya.

Tiyak magiging matagumpay ito dahil aayuda rin sina sina China Aurelio, Mimi Casas at Dr. Fred Paez kung saan punong abala ang Second Floor Open Kitchen Restaurant Airconditioned Food Hall sa Rockwell Business Center, Sheridan, Greenfields District, Mandaluyong City.

Hanga rin ako sa dati ko ring kakampi sa World Chess Olympiad at kumare ring si Woman Fide Master Sheerie Joy Lomibao-Beltran na ­tumutulong din sa chess grassroots level.

Sa Sabado, Disyembre 14 gaganapin ang WFM Sheerie Joy Lomibao-Beltran kiddies 14 years old and below interschool and women’s open event sa parehong venue.

Una nang sumuporta ang kumpare kong si International Master Joel Banawa na nitong Set­yembre 1 ay nagpa-kiddies 14-below event din na 146 players ang entries. Darating siya sa Enero at muling susuporta sa kiddies chess.

Nitong Hunyo 1 naman ang kaibigan kong si FM Christopher Castellano at International Me­mory champion Robert Racasa nag-sponsor din ng 14-under kiddies chess na 78 players ang suma­li sa Open Kitchen Sheridan din.
Mabuhay po kayong lahat sa pagtulong sa PH sports partikular sa mahal nating chess.

Nagpapasalamat naman ako kina Genghis Imperial at NM Romeo Alcodia na naimbitahan akong mag-guest sa Dec. 14-15 chess event sa Open Kitchen-Sheridan para magbigay ng inspirational message sa mga kalahok.
Mag-call o text kay Imperial (0926-2514205) para sa mga nais sumali.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy