Una sa Balita

Suportahan ang mga atletang Pinoy

0 323

Dear Abante:

Magandang araw sa ating lahat!

Nitong nakaraang mga linggo ay sunod-sunod ang mga balitang pagwawagi ng mga atletang Pinoy sa iba’t ibang patimpalak sa ibang bansa. Tinaas ng mga atletang ito ang bandila ng Pilipinas at muli na namang napatunay ang galing mga mga Pinoy.

Sa mga hindi magagandang nangyayari sa ating bansa, ang mga balitang ganito ay tunay nga namang makakapagbigay ng ngiti sa ating mga kababayan. Sa kabila ng kanilang panalo ay hindi natin maikukubli na kulang talaga ang suportang natatanggap ng mga atleta lalo na sa aspetong pampinansyal. Sana ay mamulat ang mga kinauukulan sa mga panalong ito upang lalong masuportahan ang mga atletang Pinoy na malaki ang tiyansang makapagbigay ng karangalan sa ating bansa. Panahon na para palaguin at suportahan ang sports sa ating bansa at ‘wag lang puro basketball dahil marami pang ibang sports. Tandaan: There’s a world outside basketball.

Jake ng Cavite

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy